Bilang ng indibidwal na natulungan ng Disaster Operations Center ng OVP, higit 487-K

Bilang ng indibidwal na natulungan ng Disaster Operations Center ng OVP, higit 487-K

UMABOT na sa higit 487,000 indibidwal ang natulungan ng Disaster Operations Center (DOC) Office of the Vice President (OVP).

Sa tala ng OVP-DOC, 487,295 na indibidwal na sa iba’t ibang parte ng Luzon, Visayas, at Mindanao ang nabigyan ng tulong ng ahensiya sa panahon ng anumang kalamidad at sakuna.

Katumbas ang nasabing bilang ng 109,935 na pamilya sa 49 na probinsiya sa bansa.

Ayon sa OVP na pagsusumikapan pa nila na maabot ang bawat Pilipino lalo na sa panahong kailangan ang kanilang tulong.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter