Bilang ng mga bakuna na dumating sa bansa, umabot na sa higit 77-M doses

Bilang ng mga bakuna na dumating sa bansa, umabot na sa higit 77-M doses

UMABOT na sa higit 77-M doses na bilang ng mga bakuna na dumating sa bansa.

Nitong nakalipas na linggo umabot sa 2.7 million doses ng COVID-19 vaccines ang dumating nasa bansa.

Dahil dito nasa kabuang 77,410,640 doses na ng bakuna kontra COVID-19 ang tinanggap na ng Pilipinas .

Sa bilang na ito kabilang na ang 1,813,500 ng doses of Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines na dumating kahapon sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Ang mga naturang bakuna ay donasyon mula sa COVAX facility.

Nasa higit 13 million doses na ng bakunang Pfizer ang tinanggap na ng Pilipinas.

Tinitiyak naman ni Chief Implementer of the National Task Force Against COVID 19 and Vaccine Czar, Sec. Carlito Galvez na bago matapos ang buwan ng Oktubre ay makakamit na ng Pilipinas ang 100-M doses ng vaccine kontra COVID-19.

Sa bilang na ito 50 milyong Pilipino na ang makakatanngap na kumpletong bakuna.

Samantala, milyong vaccine pa ang darating sa mga susunod na araw.

SMNI NEWS