PINANGUNAHAN ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa rehiyon ng Davao ang launching ng Barangayanihan Caravan kasama ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa nationwide simultaneous launching ng “The Duterte Legacy Barangayanihan Caravan towards National Recovery.”
Sabay-sabay naman ang labingpitong rehiyon sa bansa sa caravan upang ipaabot at ipaalam sa mga Pilipino ang mga nagawa ng administrasyong Duterte.

Ginanap ang nasabing aktibidad sa Munisipalidad ng Braulio E. Dujali sa Davao del Norte kung saan ang mga alkalde at iba pang namumuno ay nagsama-sama upang lumahok dito.
Dahil sa mga programa ng DAR, milyong buhay ang nabago sa pamamagitan ni Pangulong Duterte, ang aktibidad na ito ay mag-uudyok sa mas maraming tao na suportahan ang programa at proyekto ng administrasyon.
Sa ilalim ng pamumuno ni Secretary John Castriciones, ay nakapamahagi na ng mga lupain at suportang serbisyo sa kanayunan upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga magsasaka, pinalakas pa ng ahensya ang pagpapatupad ng agrarian reform alinsunod ito sa kautusan ng Pangulong na bigyan ng maayos na pamumuhay ang mga magsasaka.
Kasabay ng launching, nagbigay din ang DAR ng libreng legal na consultation sa limangdaang dumalo na binubuo ng mga kinatawan mula sa iba pang pambansang ahensiya tulad ng PNP, Philippine Army at mga residente ng Dujali, Davao del Norte.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, nagpapasalamat ito sa lahat ng Dabawenyo sa pakikilahok sa nasabing programa.
“Ang ating pangulo ay nasisiyahan sa paglahok ninyo sa legasiyang ito – ang ‘whole-of- nation approach’ ay nagpapatotoo sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo ng ating pamahalaan sa mga Pilipino,’’ayon kay Secretary Martin Andanar.
Matatandaang, ito na ang huling termino ng Pangulo kung saan ibat-ibang serbisyo at programa na ang nahatiran ng tulong sa pamamagitan ng Department of Agrarian Reform mula sa pinakamaliit at pinakamalayong lugar sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.
