Ilang miyembro ng NPA, tinutugis matapos manunog ng ari-arian sa Bulacan

Ilang miyembro ng NPA, tinutugis matapos manunog ng ari-arian sa Bulacan

TINUTUGIS ng mga tropa ng pamahalaan ang mga miyembro ng Communist Terrorist group na CPP-NPA matapos manunog ng mga ari-arian sa bulubundukin ng Bulacan.

Nanlumo ang dalawang landlord na residente ng Mt. Balagbag Brgy. San Isidro San Jose Del Monte Bulacan, matapos manunog ng hindi pa nakikilalang mga miyembro ng Communist Terrorist group na CPP-NPA-NDF ang kanilang mga ari-arian nitong Lunes.

Winasak din ang pinanggagalingan ng tubig sa isang tourist site sa lugar.

Sa panayam ng SMNI news kay PMaj. Karl Marlo Sanchez, Company Commander ng 301st mc, RMfb3, kinumpirma nito ang isang nagngangalang ka boyong, platoon leader ng platun uno GF Narciso ang pagsalakay na sinasabing nanguna sa insidente ng panununog.

Sa taya ng PNP, nasa mahigit isang milyong piso ang halaga ng danyos mula sa mga kagamitan ng dalawang landlord na nagngangalang Ernesto at Robert, gaya ng generator set, at mga kubo.

“Generator palang sir worth 500k na plus 3 bahay at mga solar lights ninakaw sir. Mol nasa 1.5-M sir,”ayon kay Sanchez.

Ayon pa kay sanchez, mula noong Lunes, agad nilang binantayan ng PNP ang lugar para tiyakin na hindi na ito babalikan ng mga rebelde hanggang September 30, araw ng Huwebes, sa kasamaang palad nang paakyat aniya ang mga tropa ng 80 infantry brigade, nag-unlak ng putok ng baril ang mga rebelde na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng dalawang pa nilang kasamahan.

“Sept. 27, 2021 sir 7:00pm yong pagsunog, naakyat namin 6:00am na ng Sept 28, 2021 na sir. Tapos na encounter yong mga paakyat na sundalo ng 80Ib Sept. 30 ng 7:00am ng umaga sir, isa patay at 2 sugatan sir,”dagdag nito.

Bukod dito, nabatid na matagal nang nangangailangan ng revolutionary tax ang mga miyembro ng CTG subalit nabigo ito na siya namang nagbunsod ng pagsira at pagsusunog sa mga ari-arian ng ilan mga residente.

Sa ngayon patuloy ang pursuit operation ng mga otoridad laban sa mga rebelde hanggat hindi anila natatapos ang problema ng insurhensya sa bansa.

 ‘’Still sir, we will pursue the battle against them,”ayon kay Sanchez.

SMNI NEWS