INIHAYAG ng Department of Affairs (DFA) na hindi pa rin nila matukoy kung may mga nasawing Pilipino sa wildfires sa Maui, Hawaii.
Ayon sa DFA, umabot na sa 99 ang nasawi sa wildfires sa Hawaii.
Pero sa sa naturang bilang ay wala pang breakdown ang mga awtoridad sa Estados Unidos kung anong nationality ng mga namatay sa wildfires.
Hangang ngayon kasi patuloy pa ring sinusuyod ng mga rescuers ang lugar kung saan nahihirapan ang mga itong makilala ang mga biktima.
Hinihikayat din ng mga awtoridad sa Hawaii ang mga kamag-anak na nawawala sa wildfire na magbigay ng DNA test para matukoy ang mga pagkakalinlan ng mga ito.
Kaya naman blangko pa rin ang DFA o ang konsulado ng Pilipinas sa tunay na bilang ng mga Pilpinong naapektuhan ng malawakang sunog.
Ayon din sa DFA, sa datos na inilabas ng United States Census taong 2020, mahigit 300 libong mga Pilipino ang naninirahan sa Hawaii, USA.
Habang 200 libo naman ang masasabing mga purong Pilipino, ibig sabihin ang mga magulang ay mga Pilipino.
Sa bilang na nabanggit 70 porsiyento ay mga ipinanganak sa estado ng Hawaii habang nasa maliit na lamang na porsiyento dito o 16 % ay Philippine Passport Holder.
50 Filipino teachers na nakaligtas sa wildfire sa Hawaii, nakahandang tulungan ng pamahalaan—DFA
Gayupaman kinumpirma ng DFA na may 50 Filipino Teachers sa Hawaii ang nakaligtas na handang tulungan ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang mga naturang Pinoy teachers ay mga J-I visa holder na na-hire ng Hawaii State Department of Education na manatili ng hanggang 2 o 4 na linggo.
Ang J-I visa ay ipinagkakaloob ng US government sa mga estudyante o exchange program participants na magbibiyahe papuntang Amerika.
Kaya naman tiniyak din ng DFA na tutulungan din ng pamahalaan na makauwi ang mga guro sa Pilipinas at mabigyan ng tulong pinansiyal.
Wala pang binabanggit ang DFA kung kailang makakauwi ng Pilipinas ang mga naturang teachers.
