SIGURADONG babagsak ang Pilipinas kung ibo-boycott ng bansa ang mga produkto ng China.
Ito ang hayagang sinabi ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.
Ani Roque, ito ay dahil mas marami ang inaangkat ng Pilipinas sa China kung ikukumpara sa inaangkat ng China dito sa bansa.
Sa katunayan ani Roque, isang halimbawa sa mawawala sa Pilipinas kung mangyayari ang boycott ay ang mga bakal.
Nauna nang hindi sumang-ayon si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda at Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa mungkahi ni Senate President Migz Zubiri na i-boycott ang mga Chinese product at companies.
Kasunod ito ng insidente ng water cannon attack ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard na nagdadala ng supply para sa mga personnel ng Armed Forces of the Philippines na naka-assign sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
