LALONG lumalakas ang taga-suporta ni dating Senador Bongbong Marcos sa kabila ng pambabatikos.
Binabato ito ng kahit anong-uri ng pambabatikos lalo na ngayong tatakbo ito bilang pangulo ng bansa sa 2022.
Ito ang ibinahagi ni senatorial aspirant Fernando “ding” Diaz sa panayam ng SMNI news.
Ani pa ni diaz, mas marami na ring matapang ngayon na ipagtanggol ang marcoses tungkol sa mga akusasyon sa kanila noong-araw.
Sa tingin rin ng senatorial aspirant, hindi na mabigat na contender ni Marcos si Vice President Leni Robredo sa darating na eleksyon.
Sa kabila naman nito, paalala ni Diaz, huwag na sanang magpersonalan ang political rivals at ipakita nalang sa halip ang magagawa nila hindi lang para sa kasalukuyan kundi para rin sa kinabukasan.
Samantala, naniniwala naman si Diaz na hindi mananatiling bulag si Davao City Inday Sara Duterte-Carpio sa panawagan ng mga tao sa kanya na kumandidato bilang pangulo ng bansa sa 2022.
Ani Diaz, may sariling estilo ng pamamahala si Mayor Inday Sara na hindi lang magtataguyod sa nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang mas mapaganda pa ang mga ito.