NILINAW nang Presidential Security Group (PSG) na hindi na-expose si Pangulong Rodrigo Duterte sa anak nito na nagkaroon ng COVID positive na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ito’y matapos napag-alaman na COVID positive si Mayor Sara noong nakaraang Sabado.
Kaugnay nito, ayon kay Davao City Public Information officer Jefry Tupas, ninanais ng pamilya ng alkalde na manatiling private sa ngayon.
Mild lang naman ang sintomas ng alkalde at kasalukuyang naka-quarantine.
Inaanyayahan rin ang publiko na huwag magpadala ng regalo o token bilang pagpapakita ng suporta.
Inabisuhan naman ng opisina ni Mayor Sara ang lahat na naging close contact nito sa loob ng labing-apat na araw ay sumailalim sa RT-PCR test at mag self-monitor ng sintomas ng COVID-19.