NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa mga barangay official na nangunguna sa pagpapipirma sa mga botante para suportahan ang sinasabing People’s Initiative (PI) tungo sa pagkakaroon ng Charter change (Cha-Cha).
Ayon kay DILG Usec. Felicito Valmocina, hindi dapat masangkot ang barangay officials sa signature campaign at hindi rin sila maaaring magamit para sa naturang kalakaran.
Sa lahat ng may makitang halimbawa nito ay agaran aniyang ipagbigay-alam sa DILG.
Ngayon, ayon sa Commission on Elections (COMELEC), halos siyam na raan (884) na lungsod at munisipalidad na ang nakasama sa signature campaign.