MAS pinabilis sa labingdalawang minuto ang byaheng Taguig, Makati at Pasig na dating nasa isang oras ang byahe dahil sa mabigat na daloy ng trapiko.
Sa panghuling termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, iba’t-ibang imprastraktura o mga proyekto na ang nagawa sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Mula Luzon, Visayas at Mindanao ay ibat-ibang bypass road, highways, byways at bridges ang naisaayos sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ngayong nasa huling termino ang Pangulo, kabilang ang BGC-Ortigas center road link o mas kilala bilang Kalayaan bridge na isa sa mga proyekto sa ilalim build, build, build project na nakapagbibigay ginhawa na sa mga motorista sa araw-araw.
Matatandaang, samut-saring reklamo ang natatanggap ng gobyerno mula sa mga motorista o kahit sa mga pampubliko at pribadong sasakyan dahil sa mabigat na daloy ng trapiko na kanilang nararanasan.
Ngayon, muli nating balikan ang mga nagawa ng administrasyong Duterte sa BGC-Ortigas center road link kung saan ang dating isang oras na byaheng Taguig, Makati at Pasig ngayon ay labingdalawang minuto na lamang.
Binuksan noong Hunyo 12 ang unang bahagi nito na nagkokonekta sa Barangay Sta. Monica ng Pasig at Kalayaan avenue ng Makati City na nakapagdecongest sa mahigit dalawangpung porsyento mula sa busy road ng Epifanio Dela Santos avenue o EDSA at C-5 road.
Matatandaang, binuksan sa publiko ang BGC-Ortigas link bridge o mas kilalang Kalayaan bridge noong a-30 ng Setyembre.