CAAP nagdeklara ng No-Fly Zone sa Batasan Complex

CAAP nagdeklara ng No-Fly Zone sa Batasan Complex

SIMULA kahapon  o Hulyo 25 hanggang Hulyo 27 ,2021 nagpatupad na ng no-fly zone sa Batasang Pambansa Complex at mga katabing lugar ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sa abiso na inilabas ng CAAP , layunin nito na matiyak ang seguridad sa pagbubukas ng  ikanim o huling   State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara de Representante ngayong araw.

Sa inilabas na notice to airman  o NOTAM ng CAAP Ipapatupad ang no-fly zone mula alas-6:00  ng umaga ng Hulyo 25  hanggang alas-6:00 ng umaga ng Hulyo 27 o bukas  na sasakop sa 5-nautical miles o  radius o  10,000 feet AMSL o above mean sea level ang layo sa Batasan Pambansa sa Lungsod ng Quezon.

Kabilang sa tinutukoy na ipinagbabawal ng paglipad  ay ang unmanned aircraft vehicles (UAVs) o mas kilala sa tawag na drone at mga eroplano.

Sa ilalim ng probisyon ng Philippine Civil Aviation Regulations (PCAR), ang sinumang mga operator na makitang lumabag sa mga patakaran ay pagmultahin sa pagitan ng P300,000 hanggang P500,000 sa  bawat hindi awtorisadong paglipad.

Ipinagbawal din sa memorandum ang paglipad ng mga UAV sa mga lugar na may populasyon, pinaghigpitan ang mga lugar tulad ng paliparan at mga no-fly zone tulad ng mga military training, at sa ibabaw ng malacanang palace.

SMNI NEWS