Carl Tamayo, 3rd round MVP sa 2024-2025 KBL

Carl Tamayo, 3rd round MVP sa 2024-2025 KBL

PINANGALANANG Most Valuable Player (MVP) ng third round ng 2024-2025 Korean Basketball League si Carl Tamayo.

Ang Pinoy na manlalaro ay may average 19.5 points, 6.5 rebounds, 3.7 assists at shooting percentage na 57 percent sa kaniyang huling anim na games dahilan para ito ay maging MVP.

Sa kabuuan naman ay may average itong 15 points, 6 rebounds at 2.4 assists kada game sa loob ng 26 na laro ngayong season.

Si Tamayo ay naglalaro para sa Changwon LG Sakers ng KBL.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble