MAY payo ang aktres na si Carla Abellana tungkol sa paghahanap ng mga ‘totoong kaibigan’.
Sa kaniyang Instagram post, sinabi ng aktres na kahit sino puwedeng dumating kung masaya ka.
Pero aniya, ang totoong kaibigan ay ‘yung mananatili sa tabi mo ‘when your heart falls’.
Matatandaan na pinagdaanan din ni Carla ang tungkol sa pagpapatawad at ang mga struggle nito bilang artista.
Pero ngayon aniya ay nasa maayos na kalagayan na ito.
Si Carla Abellana ang isa sa bida ng bagong afternoon prime series na ‘Stolen Life’ kasama Sina Beauty Gonzales at Gabby Concepcion.