MAGIGING espesyal ang kickoff ng highly anticipated DC Movie na ‘Superman’ ngayong taon para sa Filipino fans dahil hindi sa ibang bansa, kundi sa Pilipinas ang kickoff ng kanilang world promotional tour!
La-landing sa bansa ang superhero from Krypton na si Superman, kasama ang film makers ngayong June 19 para sa isang fan event na magaganap sa SM Mall of Asia Music Hall. Magkakaroon ng chance ang fans na ma-meet face to face ang kanilang favorite superhero pati na ang ibang casts.
May 30 nang in-announce ng direktor na si James Gunn, David Corenswet, Rachel Brosnahan at Nicholas Hoult ang upcoming global press tour at first stop nga nila ang Pilipinas.
Bibida si David bilang Superman at Clark Kent, kasama si Rachel bilang Lois Jane, habang gaganap naman bilang Lex Luthor si Nicholas.
Ang pelikula ay iikot kay Clark Kent, habang nire-reconcile niya ang pagiging kryptonian at pagiging tao. Ipinapakita rin sa kuwento kung paano niya pinapahalagahan ang katarungan at pinipiling maging simbolo ng kabutihan at katotohanan.
Huwag magpahuli mga kaprtner dahil ire-release ang pelikula ngayong July 11, 2025.