Vape mas may mataas na nicotine content kumpara sa tradisyunal na sigarilyo—DOH

Vape mas may mataas na nicotine content kumpara sa tradisyunal na sigarilyo—DOH

MAS delikado ang paggamit ng vape kaysa sa tradisyunal na sigarilyo.

Paalala ito ng Department of Health (DOH) lalo na’t dumarami na ang mga kabataang Pilipino na nahuhumaling sa vape.

Sa katunayan ayon sa DOH, mas mataas ang nicotine content sa vape, taliwas sa paniniwalang ito ay mas ligtas.

Dagdag pa niya, hindi lamang mas mapanganib ang vape dahil mas magastos din ito kumpara sa tradisyunal na paninigarilyo.

Nagbabala rin ang DOH na ang pangmatagalang epekto ng paggamit ng vape ay magiging malaking pasanin sa sistema ng kalusugan ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble