Ces Molina pinangunahan ang Farm Fresh sa makasaysayang panalo vs. Cignal

Ces Molina pinangunahan ang Farm Fresh sa makasaysayang panalo vs. Cignal

Muling pinatunayan ni Ces Molina na isa siya sa mga pangunahing sandigan ng Farm Fresh Foxies matapos silang magwagi kontra sa Cignal HD Spikers, 25-19, 25-20, 25-16, sa Smart Araneta Coliseum nitong Huwebes sa 2025 PVL Reinforced Conference.

Para kay Molina, espesyal ang laban dahil dating niyang koponan ang Cignal.

Ayon sa dating MVP ng 2023 Invitational Conference, alam niya kung paano sila maglaro at kung gaano sila kasipag, kaya mas pinaghandaan niya ito.

Sa pagkawala nina Vanie Gandler at coach Shaq Delos Santos, kinuha ni Molina ang pagkakataon upang manguna, nagtala ito ng 11 points at anim na excellent receptions na naging susi sa pagkontrol ng laro.

Sa ilalim ng kaniyang liderato, nakamit ng Farm Fresh ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Sa laban kontra sa dating koponan, ipinakita rin ni Molina hindi lang ang galing, kundi ang propesyonalismo at respeto sa mga dating kakampi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble