Chinese Embassy, nagbigay ng P1-M sa SMNI Foundation para sa mga biktima ng baha

Chinese Embassy, nagbigay ng P1-M sa SMNI Foundation para sa mga biktima ng baha

BAGONG taon, bagong pag-asa, iyan ang hatid ng SMNI Foundation Inc. katuwang ang Chinese Embassy para sa mga nasalanta ng baha sa Brgy. Talic sa Oroquieta City sa Misamis Occidental.

Sa muling pagkakataon, hindi pinalagpas ng SMNI Foundation Inc. katuwang ang Chinese Embassy na matulungan ang mga sinalanta ng baha sa Brgy. Talic sa Oroquieta City.

P1-M ang ipinaabot ng Chinese Embassy sa SMNI Foundation para sa isasagawang relief operation sa December 31 ng umaga.

Agad namang ipinakilos ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, ang relief operations team ng SMNI Foundation Inc.

Libu-libong relief items na naglalaman ng canned goods, condiments at iba pang pangangailangan ang tulung-tulong na inihanda ng mga volunteer.

Hindi rin mawawala ang mga galong-galong inuming tubig na isa sa mga pinakamatinding pangangailangan ng mga residente.

At syempre para kumpletuhin ang pang Media Noche ng ating mga kababayan ay ang mga saku-sakong bigas.

Follow SMNI NEWS in Twitter