Pamimigay ni Pacquiao ng pera, walang isyu ayon kay Lacson

Pamimigay ni Pacquiao ng pera, walang isyu ayon kay Lacson

SINABI ni Partido Reporma standard bearer Senator Panfilo Lacson na hindi dapat kastiguhin ang pamimigay ng pera sa publiko ni Presidential contender Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay Lacson, ito ay dahil sa dati pang ginagawa ito ni Pacquiao at hindi pa rin naman aniya nagsisimula ang campaign period.

Dagdag ni Lacson, ang perang ipinamimigay ni Pacquiao ay mula sa kinita nito mula sa boxing kung kaya’t hindi dapat na maki-alam ang publiko dito.

Giit pa ni Lacson, hindi gaya ng ibang politiko na nagpapakita lamang tuwing panahon ng eleksyon, namamahagi na si Pacquiao ng kanyang kayamanan sa mga mahihirap bago pa ito lumahok sa politiko.

Ngunit ayon kay Lacson, mag-iiba na ang isyu kung patuloy pa ring mamamahagi ang boxing icon ng pera kapag nagsimula na ang campaign period sa Pebrero.

SMNI NEWS