NAGPAALALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan na magka-altapresyon.
Ang hypertension o altapresyon ay ang labis na pagtaas ng blood pressure (BP) ng isang indibidwal.
Ito ay isang seryosong kondisyon na maaaring magdulot ng komplikasyon tulad ng stroke, atake sa puso, kidney failure at aneurysm.
Ang kondisyon na ito ay maaaring lumubha o magdulot ng kamatayan kapag hindi naagapan.
Ilan sa mga paalala ng DOH para maiwasan ito ay ang pagkain ng masusustansiyang pagkain tulad ng prutas at gulay.
Pag-iwas sa pagkaing maaalat, matataba at mamantikang mga pagkain at madalas na pag-ehersisyo na hindi bababa sa 30-minuto araw-araw.
