Market linkages sa pamamagitan ng contract farming sa mga hotel, restaurant, at institutional buyers, mas pinalakas pa ng DA

Market linkages sa pamamagitan ng contract farming sa mga hotel, restaurant, at institutional buyers, mas pinalakas pa ng DA

MAS pinalakas pa ng Department of Agriculture (DA) ang market linkages sa pamamagitan ng contract farming sa mga hotel, restaurant, at institutional buyers.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na higit pang paigtingin ang suporta ng gobyerno para mapabuti ang buhay ng mga magsasaka at mangingisda.

Ayon sa Presidential Communication Office (PCO), bahagi ng hakbang na ito ang pamamahagi ng delivery trucks at vegetable crates sa marami pang mga Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) at municipalities sa ilalim ng Enhanced Kadiwa Grant ng DA.

Ito ay upang mapadali ang transportasyon ng mga produkto kung saan ito ay in demand.

Sinabi ng PCO na layunin ng mas epektibong food mobilization strategy na maiwasan ang oversupply ng mga agricultural product sa bansa at pagkawala ng kita ng mga local farmer.

Samantala, tinitingnan na rin ng DA ang mga naiulat na pagtatapon ng mahigit 500 kilo ng kamatis na nagkakahagalaga ng P8.00 – P12.00 kada kilo mula sa Nueva Vizcaya Agricultural Trading (NVAT) noong Enero 25, 2023.