NAGSAGAWA ng dalawang araw na Information and Education campaign ang 86th Infantry Battalion, DepEd, Santiago City Police Office at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 2.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Santiago City National High School na nilahukan ng daan-daang estudyante mula Grade 9 – Grade 12.
Layon nitong bigyan ng kaalaman at imulat ang kamalayan ng mga kabataan sa mga ginagawang taktika ng makakaliwang grupo o communist terrorist groups (CTGs) nang sa gayon ay maiwas ang mga ito sa ginagawang recruitment activity ng teroristang grupo.
Kabilang sa aktibidad ay ang pagbibigay ng talumpati ng mga dating rebelde at ibinahagi ng mga ito ang kanilang mga naging mapait na karanasan noong sila ay miyembro pa ng makakaliwang grupo.
Samantala, paalala naman ni 1st Lieutenant Melvin Pepino, CMO Officer ng 86th Infantry Battalion sa mga magulang na bantayang maigi ang mga anak lalo na sa mga sinasalihang organisasyon upang masiguro na hindi sila malinlang ng mga recruiter ng New People’s Army.
