MALUGOD na tinatanggap ng Philippine National Police (PNP) ang mungkahi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na dagdagan sila ng pondo.
Ito ay upang makabili ng mas maraming body-worn cameras na gagamitin sa iba’t ibang operasyon.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na anumang hakbang upang madagdagan ang kanilang pondo sa pagbili ng body-worn cameras ay tinatanggap nila.
Ayon kay Fajardo, 2,756 lamang ang nabili nilang body-worn cameras habang nakatanggap sila ng 60 body-worn cameras mula sa Public Safety Savings & Loan Association Incorporated (PSSLAI).
Nangangailangan pa ang PNP ang 45,000 body-worn cameras upang mabigyan ang iba pang yunit o istasyon ng pulisya sa buong bansa.
