KINILALA ng Philippine National Police (PNP) ang kahanga-hangang dedikasyon at hindi matatawarang serbisyo publiko ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Toots Ople.
Kasunod ito ng pagpanaw ni Sec. Toots nitong Martes Agosto 22, 2023.
Ayon sa PNP, masaya ang buong organisasyon sa pakikipagtulungan sa opisina ng kalihim para bigyan ng kaukulang tulong sa seguridad at pangangalaga sa karapatan ng mga overseas Filipino worker (OFW) papunta at pabalik ng bansa.
Dahil dito itinuturing ng PNP na inspirasyon si Sec. Toots sa lahat ng mga kawani nito na itaguyod ang pagmamahal sa trabaho, sa bayan bago ang sarili.
Kasabay nito ang pakikiramay rin ng PNP organization sa naiwang pamilya ng kalihim.
