HINATULANG guilty ng Sandiganbayan si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Efraim Genuino sa kasong graft.
Sa desisyon ng Sandiganbayan 3rd Division, sinentensyahan si Genuino ng pagkakakulong ng anim na taon at isang buwan hanggang sampung taon.
Pinatawan din ito ng perpetual disqualification mula sa public office.
Ang kaso ay nag-ugat sa umano’y maling paggamit ni Genuino sa pondo ng PAGCOR na nagkakahalaga ng P37 milyon.