“BINABABOY ninyo ang aming bansa!” ang naging komento ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa panayam ng SMNI News hinggil sa napaulat na may nag-ooperate pa rin na iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na hindi alam ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Hindi naman nilalahat ni Sen. Dela Rosa ang mga POGO operation sa bansa dahil iilan lang aniya ang iligal.
Sa naging privilege speech ni Sen. Grace Poe, sinabi nito na may isang Chinese-Filipina na nag-apply sa isang kumpanya ng POGO subalit ibinenta naman siya sa kabilang kumpanya.
Nang gustong umalis ng Chinese-Filipina sa pinapasukang kumpanya ay siningil ito ng 250-K pesos dahil ito umano ang halaga niya nang ibinenta ng unang kumpanya.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Sen. Dela Rosa ang PAGCOR bilang regulator na maging malakas laban sa mga iligal na POGO operation.