NGAYONG Enero, mapapanood na muli ng sambayanang Pilipino ang dating Pangulo ng Pilipinas.
Abangan sa Sonshine Media Network International si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Tampok na talakayan sa pinakabagong programa ang napapanahong isyu ng lipunan.
Ito ang inanunsyo ng kanyang matalik na kaibigan na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa kaniyang programang Powerline nitong Huwebes, Enero 12.
“Last time nakita natin sa telebisyon ang ating former President Rodrigo Duterte. Magkakaroon siya ng bagong programa sa SMNI,” ayon kay Pastor Apollo.
Inihayag din ni Pastor Apollo kung kailan mapapanood sa SMNI ang pinakaunang episode ng programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa.”
Mas magiging kaabang-abang din ang naturang programa dahil sa mga segments nito.
“Every hour ay may segment tayo, ang last segment… Sa tatlong oras na yan… Ay question and answer tayo sa mga gustong magtanong,” wika pa ni Pastor Apollo.
Matatandaang sa eksklusibong panayam ni Pastor Apollo kay dating Pangulong Duterte, sinabi nito na layunin ng programa ang pagtulong sa pamahalaan.
