PINAGHAHANDAAN na nang lungsod ng Davao City ang COVID-19 vaccine rollout para sa mga bata o indibidwal na may edad 12 hanggang 17 years old na mag sisimula ngayong Oktubre 15.
Inihayag ng tagapag salita ng Davao City COVID-19 task force sa Davao na hinihintay lamang ng ating pamahalaang lungsod ang final guidelines para sa Anti-COVID vaccination para sa mga bata mula sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Dr. Michelle Schlosser nag karon na ng go signal ang national government na maari ng makapag bigay ng COVID-19 vaccine rollout para sa mga 12 years old hanggang 17 years old ngayon Oktubre subalit wala pang inilalabas na guidelines ukol dito.
Dagdag pa nito na hindi pa nagsisimula ang pre-registration para sa mga minors, ang tiyak lamang nila ay ang starting date ng vaccination.
Aniya marami ng mga magulang na fully vaccinated na ang nagtatanung at interesado sa vaccination rollout para sa mga bata dahil nais nilang mabakunahan na ang kanilang mga anak.
Samantala, sinabi rin nito na maliban pa sa vaccination para sa mga bata at general population, batay sa advisory number 89 ng National COVID-19 Task Force (NTF) vaccination operations center, nag issue ng guideline para din sa vaccination ng public at private school teaching at non-teaching personnel sa mga educational institutions.
Ito ay paghahanda naman sa pagbubukas ng limited face to face classes para sa mga estudante.
Nitong lunes, inihayag ng ating alkalde na meron ng limang paaralan na pinadala sa DepEd para sa pilot testing ng face to face classes dito.
