MAGPAPAHINGA muna mula sa social media, ang Filipino-singer na si Jake Zyrus upang isaprayoridad ang kaniyang mental health.
Sa kaniyang official social media post, ibinahagi nito na ilang linggo siyang mawawala sa social media dahil sa hate comments na kaniyang natatanggap.
Dagdag pa ng singer, mahirap sa kaniyang ang pagkawala sa social media ngunit magiging malaking tulong aniya ito sa kaniya.
Sa huli, hinihikayat din nito ang iba na isaprayoridad o unahin ang kanilang mental health.