SISIMULAN na ngayong araw sa Senate Plenary ang deliberasyon para sa Panukalang Pondo para sa taong 2022.
Ito ay matapos isponsoran ni Senator Sonny Angara, ang chairman ng Senate Committee on Finance ang Committee Report No. 323 sa plenaryo kagabi.
Ngayong araw ng Miyerkules ay sisimulan naman ang Plenary debates ayon kay Angara.
Una ng sinabi ng senador na ang version ng General Appropriations Bill (GAB) ng Senado ay COVID-19 recovery budget kung saan ay tinaasan pa nito ang pondo ng Department of Health (DOH).
Para sa taong 2022 ay binigyan ng Senate panel ng P226-B ang naturang ahensya, iba pa ang pondo para sa PhilHealth na nagkakahalaga ng mahigit P79-B.
Ilan pa sa highlight ng GAB ng Senate ay ang:
- P6.28 billion para sa emergency hiring ng mga personnel kasama ang mga vaccinators
- P51 billion for COVID-19 benefits and compensation para sa mga frontliners
- P2 billion para sa epidemiology and surveillance program ng DOH
- P16.85 billion para sa COVID-19 testing
- P45.3 billion for the purchase, logistical requirements
Base sa bersyon ng Senado ay magkaroon din ng karagdagang funding para sa mga apektado ng pandemya.
Tulad ng social amelioration na nagkakahalaga ng P2,500 para sa mga pamilya na low incomes homeless, street families, returning OFWs, indigenous peoples, persons with disabilities.
Kabilang din ang P600 month rice subsidy para sa beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Cash for Work Program, free COVID-19 test para sa mga naghahanap ng trabaho, at para sa pension ng mga senior citizens.
Naglaan din ang Senate panel ng pondo para sa fuel subsidy and PUV service contracting, modernization, EDSA Busway Project at iba pa.
Para sa Kagawaran ng Edukasyon, ay naglaan ang Senate panel ng pondo para sa implementasyon ng face-to-face classes, educational assistance quality assurance of learning resources, Alternative Learning System, Special Education Program, mental health policy, and the Philippine High School for the Arts.
Umaasa naman si Senator Sonny Angara na sa Nobyembre 25 ay maipapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ang Budget Bill.
Oras na maaprubahan ito sa Senado ay agad na sisimulan ang bicam.
