NAKIKIUSAP si Senator Bong Go sa publiko na huwag munang gawan ng isyung politikal ang hindi nila pagsasama ng kapwa nitong PDP laban bet na si Senator Ronald Bato dela Rosa.
BASAHIN: Posisyon sa pagkapangulo at bise presidente, patuloy na pinag-uusapan pa ng administration party
Sa panayam sa kanya, sinabi nitong hindi dapat na lagyan ng kulay ang hiwalay na mga lakad nila ng presidential aspirant na si Senator Bato.
Giit ni Go, hindi pa kailangan na magsama sila sa iisang entablado dahil trabaho muna ang dapat na unahin.
Pagdidiin pa niya, malayo pa ang opisyal na kampanya.
Paliwanag ni Go, ang kanyang mga pagbisita sa mga nasunugan at pagbubukas ng Malasakit Centers ay matagal na niyang ginagawa.
Pero paglilinaw ng senador, handa siya na makasama si Bato bilang running mate.
Samantala, muling nanindigan si Go na seryoso siya sa kanyang kandidatura bilang pambatao ng PDP Laban Party sa pagka-bise presidente, ngunit aminado siya na posibleng mabago ang lahat sa mga susunod na araw.
Sa ngayon, inamin ni Go na patuloy ang pagbalanse ng kanilang partido kaugnay sa opisyal na mamanukin ng PDP Laban para sa May 2022 elections.
BASAHIN: Sen. Bong Go, “handang umiwas” sa pagtakbong bise-presidente sa 2022
