DepEd, ire-review ang senior high school program

DepEd, ire-review ang senior high school program

BINUO na ng Department of Education (DepEd) ang isang national task force na magre-review sa implementasyon ng senior high school program.

Layunin ng review na mabigyan ang senior high school graduates ng mas malawakang access sa employment, entrepreneurship, advanced education at training.

Ipinag-utos na rin ng ahensiya sa naturang task force ang gumawa ng ulat sa kanilang naging review kay Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte bago o sa araw ng May 12, 2024.

Nitong Enero, sinabi na ni VP Duterte na tinitingnan ng DepEd na mai-revise ang K to 12 curriculum para makagawa ng job-ready graduates.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter