NAMAHAGI ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng 56 na mga bagong fire trucks sa iba’t ibang local government units (LGUs) sa buong bansa.
Ito ang ibinahagi ni DILG Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. nitong Linggo, Hulyo 9.
Aniya, ang mga bagong fire truck ay may kumpletong set ng mga kagamitan tulad ng personal protective equipment (PPE), self-contained breathing apparatus (SCBA) at may tubig na film forming foam (AFFF) at iba pang kagamitan sa paglaban ng sunog.
Pito ang ibinahagi sa Region 4-A; anim sa Region 1; lima sa Region 3 at 12; apat sa Region 4-B,7,9, at 11; tatlo sa Region 2,5, at 6; dalawa sa Region 8, at isa sa Region 10.
Nakatanggap din ang Cordillera Administrative Region (CAR) ng 2 fire truck habang ang Bangsamorro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isa.
Sa 2023, inaasahan na may karagdagang 63 units na fire truck at iba pang modernong kagamitan ang bibilhin ng ahensiya.
