DOT, planong magkaroon ng mas maraming e-visas para sa turistang mula China at India

DOT, planong magkaroon ng mas maraming e-visas para sa turistang mula China at India

PLANO ng pamahalaan na magkaroon ng visa reforms upang mas mapadali ang pagpasok ng mga international tourists, partikular na mula China at India.

Ayon kay Tourism Sec. Christina Garcia-Frasco, dapat na pag-aralan ng mga sangay ng pamahalaan ang pagbibigay ng travel mechanisms gaya ng electronic visa system upang mas mapadali ang pagbiyahe ng mga turistang banyaga.

Pinangunahan ni Frasco ang iba pang ahensiya gaya ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Justice (DOJ), Department of Information and Communications Technology (DICT), at Bureau of Immigration (BI) para sa pagpupulong patungkol sa isyu ng visa at turismo.

Inihayag ng DOT na 58% ng kabuuang Indian visitors sa bansa at mga repeat travelers kaya’t kailangan ng ahensiya na mapanatili at madagdagan ang bilang ng mga ito.

Ganito rin ang sinabi ng DOT sa China at inihayag na China ang ika-dalawang pinagmumulang inbound tourists noong 2019 bago pa man ang pandemya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter