DPWH binuksan ang evacuation center at smart houses para sa mga biktima ng lindol

DPWH binuksan ang evacuation center at smart houses para sa mga biktima ng lindol

BINUKSAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang regional evacuation center sa Manay, Davao Oriental.

Ito’y para sa mga pamilya na naapektuhan ng magnitude 7.4 at 6.8 na lindol noong Oktubre 10, 2025.

Maliban sa shelter, nag-deploy rin ang DPWH ng water tanker na may 20,000 litrong suplay ng tubig para sa evacuees.

Samantala, sa lalawigan naman ng Cebu, nagtayo ang DPWH ng mga smart o prefabricated houses sa San Remigio.

Naglagay rin sila ng mga poste ng kuryente upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa lugar.

Ang hilagang bahagi ng Cebu ay nasalanta ng magnitude 6.9 na lindol noong Setyembre 30.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble