NAGWAGI bilang Best Film sa 21st Cinemalaya Film Festival ang documentary film na “Bloom Where You Are Planted.”
Ito ang kauna-unahang documentary na nanalo ng pinakamataas na parangal sa Cinemalaya.
Sa naturang pelikula ay tampok ang land rights activists sa Cagayan Valley.
Inabot pa ng anim na taon bago natapos ang naturang proyekto.
Samantala, plano ng direktor nito na ipalabas ang pelikula sa mga komunidad sa halip na sa mga sinehan.
