DPWH officials humiling ng house arrest imbes na manatili sa kulungan

DPWH officials humiling ng house arrest imbes na manatili sa kulungan

PAYAGAN na lang sanang ilagay sa house arrest imbes na manatili sa kulungan.

Ito ang hiling ng mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bulacan na kasalukuyang nakakulong sa Senado.

Ang mga umapela ay sina dating District Engineer Henry Alcantara, at dating Assistant District Engineers Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza.

Wala pang desisyon ang Blue Ribbon Committee hinggil dito dahil si Sen. Erwin Tulfo, na nagsisilbing pansamantalang pinuno ng komite, ay nasa ibang bansa.

Si Hernandez ay ipinakulong ng Senado noong Setyembre 8 matapos umanong magsinungaling sa pagdinig.

Habang sina Alcantara at Mendoza ay ipinakulong noong Setyembre 18.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble