High Speed Hitters panalo vs. Solar Spikers

High Speed Hitters panalo vs. Solar Spikers

MATAGUMPAY na sinimulan ng PLDT High Speed Hitters ang kampanya nila sa 2025 PVL Reinforced Conference.

Ito’y matapos talunin ang Capital1 Solar Spikers sa iskor na 25-22, 25-20, 25-23 sa kanilang game nitong Lunes, Oktubre 14, 2025 sa Smart Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Savi Davison ang laban kung saan nag-ambag siya ng 22 puntos at 7 blocks.

Habang ang kanilang Russian import na si Anastasiia Bavykina ay nagdagdag ng 15 puntos at 10 receptions.

Si Kianna Dy ay may 10 puntos din para sa PLDT.

Samantala, sa panig ng Capital1, nagtala ang import na si Oleksandra Bytsenko ng 20 puntos habang si Bella Belen ay may 13 puntos at 9 digs.

Susunod na haharapin ng PLDT ang Choco Mucho Flying Titans sa Huwebes, Oktubre 16, 2025.

Sisikapin naman ng Capital1 na makuha ang unang panalo nito laban sa NXLED Chameleons.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble