INAMIN ni Pinoy Pole Vaulter EJ Obiena na hindi siya nakatatanggap ng suporta mula sa pamahalaan ngayong taon kahit pa ilang kompetisyon na ang kanyang sinalihan.
Sinabi niya na hindi masyadong malinaw sa kanya ang rason hinggil dito subalit kung magugunita na nagkaroon ng isyu si Obiena sa pagitan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa unang bahagi ng 2022.
Tungkol ito sa umano’y problema sa maling paggamit ng pole vaulter ng pondong nakalaan para sa coaching fees nito kay Vitaly Petrov.
Sa ngayon, sa panig ng Philippine Sports Commission, sinabi nito na tinatrabaho na nila ang pagbabalik ng pondo bilang tulong at suporta kay Obiena.
