EJ Obiena, isiniwalat ang 2 rason bakit hindi sasali sa Kazakhstan event

EJ Obiena, isiniwalat ang 2 rason bakit hindi sasali sa Kazakhstan event

HINDI sasali sa Asian Indoor Athletics Championships na isasagawa sa Kazakhstan ngayong February 10-23 si Filipino pole vaulter EJ Obiena.

Naikwento ni Obiena na hindi maipadala sa Kazakhstan ang kanyang poles kaya hindi ito makasali sa championships.

Wala aniyang airlines na pupunta sa Astana, Kazakhstan ang nais na bumitbit sa kanyang poles.

Sa kaparehong rason ay marami ring mga pole vaulters mula sa Asya ang nag-pull out mula sa event.

Maliban sa wala ang kanyang poles ay may financial issues din na kinakaharap si Obiena. EJ Obiena

Bagamat naresolba na ang kanyang mga naunang issue hinggil sa pinansyal, marami sa staff ng Team Obiena ang hindi pa nababayaran sa loob ng mahigit isang taon na.

Follow SMNI NEWS in Twitter