SINIMULAN ngayong Lunes ang full printing operation ng National Printing Office (NPO) para sa mga balotang gagamitin sa 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.
Ayon kay Commission on Election (COMELEC) spokesperson Atty. Rex Laudiangco, target na makapag-imprinta ng 3 milyong balota kada araw.
Aniya, mayroong 3 machine na gumagana sa NPO, kung saan sa bawat machine ay nakagagawa ng tig-isang milyong balota.
Saad ni Laudiangco, nasa 91.5 milyong balota ang target maimprenta ng NPO para sa Barangay at SK elections.
Ang nasabing full swing operation ay hakbang ng COMELEC habang wala pang pinal na desisyon kung matutuloy o hindi ang halalan ngayong Disyembre.
