Ex-DFA Sec. Teddy Locsin, pinagbibitiw bilang ambassador; Locsin, dapat dalhin sa mental health facility—Sultan Kudarat Governor

Ex-DFA Sec. Teddy Locsin, pinagbibitiw bilang ambassador; Locsin, dapat dalhin sa mental health facility—Sultan Kudarat Governor

PINAGBIBITIW sa puwesto ni Sultan Kudarat Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu si Philippine Ambassador to the United Kingdom Teddy Boy Locsin, Jr.

Giit ng gobernador, isang kahihiyan sa mga Pilipino ang opisyal.

Nag-init ang ulo ni Gov. Mangudadatu sa tweet ni Locsin.

Sabi kasi ni Locsin sa Twitter na agad naman niyang binura, dapat aniya patayin ang mga batang Palestinian dahil gagamitin lamang ito ng mga rebeldeng grupo na Hamas sa kanilang paglaki.

Inugnay ni Teddy Locsin ang kaniyang statement sa giyera ng Israel at Hamas.

Sa isang public engagement nitong Martes ng umaga, inihayag ng gobernador na dapat ipadala sa mental health facility si Amb. Locsin.

‘‘Ang sinabi ni Teddy Locsin, Ambassador siya ha? Ang sabi niya, ang lahat ng Palestinian children dapat daw patayin! Dahil mga Muslim sila at gagamitin lang sila ng Hamas! Sabi ko, parang nasisiraan na yata to ng ulo? Sabi ko baka ipadala na natin siya sa mental health facility kasi hindi maayos na salita ‘yun na patayin mo ang mga bata,’’ ayon kay Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu, Province of Sultan Kudarat.

Kahit na humingi na ng tawad si Locsin sa kaniyang tweet, sambit ni Gov. Mangudadatu na walang puwang ang iresponsableng pahayag sa pamahalaan lalo na kung laban ito sa mga kabataan.

“My apologies to those who did misconstrue my sentiments and did in fact get triggered — obviously was not advocating for the literal death of anyone, but rather simply for the end of any ideology that condones terrorism in any way, shape or form,” pahayag naman ni Ambassador Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr.

‘‘Although he later apologized, kailan ba naging okay ang lahat pagkatapos ng sorry? Diba? There’s no room for incompetence kaya kung ako lang naman ang magsasalita, I am calling for the resignation of Ambassador Teddy Locsin! Kasi, he does not deserve to be an Ambassador, he does not deserve to be a representative of our country, he does not deserve, he’s not befitting to be an ambassador,’’ aniya Gov. Mangudadatu.

Kaya panawagan ng gobernador kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na tanggalin na sa puwesto si Locsin.

Personal aniya siyang liliham sa Pangulo para hilingin ang pagsibak sa opisyal.

‘‘We are calling the President Ferdinand ‘‘Bongbong’’ R. Marcos Jr., na sipain mo tong taong to, alisin mo kasi nakakahiya. He does not fit to represent the Philippines, he is a disgrace to the Filipino people and he is a disgrace to humanity.’’

‘‘Eh kailan ba naging joke ang pagpatay ng bata? Di ba? It’s very-very bad that we have an ambassador like him,’’ dagdag pa ni Gov. Pax.

Hinamon naman ni Mangudadatu si Locsin na magtungo sa Sultan Kudarat para matuto ng good manners.

Kaisa ng gobernador sa panawagang resignation kay Locsin ang Muslim officials sa bansa.

‘‘Let’s invite him to come here to Sultan Kudarat at turuan ko siya. Na ang buhay ng Muslim, ang buhay ng Kristiyano, at ang buhay ng Lumad at ang buhay ng sinumang tao lahat yan ay mahalaga, bigyan ng respeto at bigyan ng dangal,’’ saad pa ni Mangudadatu.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter