NAKATAKDA nang simulan ng K-pop boyband idol mula sa EXO na si Kai ang kaniyang 18 months military service sa susunod na linggo.
Magsisimula sa May 11 ang training ni Kai sa Army Recruit Training Center.
Sasailalim muna ito sa basic military training bago maging public service worker ayon sa management nito na SM Entertainment.
Kaugnay rito, hindi rin ibabahagi ng kanilang kompanya ang lokasyon at oras ng pagpapa-enlist nito bilang respeto sa desisyon ng singer na ilihim ito.
