IBINAHAGI ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kaniyang saloobin patungkol sa naging bagong alyansa ng kaniyang partido sa Lakas-CMD sa kaniyang programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” sa SMNI, Mayo 31, 2023.
“I leave it to the entire membership of PDP Laban. Kung ano lang ang gusto nila. Ako nga yung chairman siguro chairman ako, yung presidente iba and I’d like to remove myself slowly to politics, ayoko na tamad na ako. Pero if the entire membership opt to equally strong political party I would simply, kung yan ang gusto ng karamihan it’s always a numbers game what is the prevailing sentiment. The prevailing sentiment is there are more people in this side than on the other side so what is the prevailing sentiment in the party? If they want it? Sabi ko it’s a numbers game its always the majority who has,” saad ni FPRRD.
Ito ang naging tugon ni dating Pangulong Duterte nang tanungin kung alam nito ang naging hakbang ng kaniyang partido na makipag-alyansa sa Lakas-CMD.
Si Duterte ang kasalukuyang chairperson ng partido.
Magugunitang umalis sa Lakas-CMD si VP Sara Duterte matapos ma-demote sa posisyon si Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo habang nagbitiw naman si Sen. Robin Padilla bilang executive vice president ng partido ng PDP-Laban.
Alyansa ng PDP-Laban sa Lakas-CMD posibleng hindi alam ni FPRRD—Atty. Panelo
Pero para kay dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, mukhang walang alam ang chairperson ng PDP-Laban sa desisyon ng partido na makipag-alyansa.
“Parang yung ang pag-ally ng PDP Laban sa Lakas mukhang hindi niya alam or pinabayaan na lang niya, parang ganun ang posisyon niya parang narinig ko sa kaniya eh gusto niya naman eh di sige,” ani Atty. Sal Panelo.
FPRRD may payo sa pulitikong mahilig magpalit ng partido
May payo naman si dating Pangulong Duterte sa mga politikong mahilig magrebelde at magpalit ng partido.
“Hindi ‘yung kung ayaw mo mag rebelde ka then mag self-destruct kayo because the members ‘yan ang problema sa iba eh pag ayaw nila ’yung ano ng party mag-resign kaagad, magpunta sa ibang party. You can always be a voice anywhere and everywhere, maski anytime you criticize of the merger which you do not like well, go ahead and be a critic of your own party,” ani FPRRD.
Sen. Robin Padilla, nanindigan sa kaniyang katapatan kay FPRRD
Samantala, nagpahayag naman si Sen. Robin Padilla ng kaniyang katapatan kay dating Pangulong Duterte nang makapanayam sa programang Pulso ng Bayan ng SMNI.
“Una po ang akin pong katapatan mula umpisa hanggang huli, yan po ay inaalay ko po kay dating Pangulo Mayor Rodrigo Duterte. Ako po kumikilos dito bilang isang mambabatas sa anino ng ating mahal na Pangulo. Ako po ay hindi kailanman babaklas, ito po ay wala pong ano dito, ‘yung babawiin yung salita, hindi po. Magreresign na lang po ako sa pagiging mambabatas kung ako ay mapupunta sa ibang amo. Isa lang po ang amo ko at yan po ay si Rodrigo Duterte, pero kung palipat-lipat ka ng partido walang mangyari sayo,” saad ni Sen. Robin Padilla.
Sen. Padilla ipinaliwanag ang desisyong pagbibitiw bilang EVP ng PDP-Laban
Nagpaliwanag naman si Sen. Padilla kung ano ang naging dahilan kung bakit nitong napiling magbitiw bilang executive vice president ng PDP-Laban.
“’Yung pong pag-resign ko bilang vice president, ‘yan po ay kasi mahirap na trabaho po. ‘Yan hinihingi po yan ang maraming oras, lahat po ngayon ay nagiging usap-usapan ang politika sa lahat ng sulok ng siyudad ng Kamara. Masyado na pong maanghang ang usapan ng politika, hindi po ako napabilang sa usapan na yan dahil ako po ang aking oras ay nasa Senado. Parang unfair, hindi po tama na parang wala po akong ginagawa, hindi po ako ganun, hindi ko kaya ‘yun, hindi po ako naging ganun kahit ang tingin ng tao sa akin ay bad boy hindi po ako naging iresponsable sa buong buhay ko. Eh napakahirap po na bigyan po ako ng isang trabaho na hindi mo naman nagagampanan, ang hirap po nun habang nagkakaroon ng alingasngas, nagkakaroon ng mga hidwaan. Ako ang tinatanong ng mga tao, ano ba ang nangyayari, ikaw ang vice president diyan, para bang naging mangmang ako hindi ko masagot. Teka muna, mas mabuti po na ako muna maging miyembro muna para malaman ko muna kung ano ang politika,” wika ni Sen. Padilla.
Sen. Padilla, humingi ng paumanhin sa publiko kung sa tingin nilang mangmang siya sa politika
Humingi naman ng paumanhin ang senador kung sa tingin ng publiko na wala itong alam sa politika bagay na hinangaan naman ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo.
“Sorry po, ako po ay humihingi ng paumanhin sa maraming tao kung sa palagay nila ay mangmang sa politika bagamat ang pamilya po namin may isang daang taon na sa politika. Sorry po, hindi po ako politiko, kaya marami po akong mga tanong nila na hindi ko masagot, pangit naman sa isang EVP na hindi mo matanong sa mga bagay sa politika. Kaya ako nag-resign, hindi po para sa akin eh ibigay na lang po natin para sa makasagot sa mga katanungan,” dagdag ni Sen. Robin Padilla.
“Alam mo ang napapansin ko kay Sen. Robin Padilla, naninindigan siya basta prinsipyo ang pinag-uusapan, wala bahala kayo sa buhay ninyo, ganito ang posisyon ko,” pahayag ni Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.