Galing ng mga Pinoy, ibinida ni PBBM sa isinagawang awarding sa 2023 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos

Galing ng mga Pinoy, ibinida ni PBBM sa isinagawang awarding sa 2023 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos

PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang Metrobank Foundation Outstanding Filipinos ngayong taon.

Ipinagkaloob ni Pangulong Marcos ang Medallion of Excellence sa 10 Filipino exemplars na binubuo ng apat na guro, tatlong sundalo at tatlong pulis na ginawaran ng 2023 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos.

Ginawa ito sa isang awarding ceremony sa Heroes Hall sa Malacañang Palace nitong umaga ng Huwebes.

‘‘All of you 10 awardees who are here with us today have greatly contributed to the development of their respective institutions and advocacies. You have taken the extra mile, climbed that steeper mountain – and this is literal,’’ ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa kaniya pang mensahe, ibinida ni Pangulong Marcos ang galing ng mga Pinoy kasabay ng isinagawang awarding.

‘‘At pinapaalala ninyo sa inyong pagsisikap, sa inyong pagsasakripisyo at sa pagtanggap ninyo nitong award na ito ay pinapaalala ninyo sa mga Pilipino na mahusay ang Pilipino, mabait ang Pilipino, magaling ang Pilipino,’’ dagdag ni Pangulong Marcos

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanilang mga nagawa ay naglalapit sa bansa sa ‘Bagong Pilipinas’.

‘‘Your accomplishments bring us also closer to ‘Bagong Pilipinas’ that we are determined to build— a nation that has a globally competitive education system, a safe and empowered citizenry, and a society that offers equal opportunities for all,’’ aniya.

Pinuri din ni Pangulong Marcos ang naturang awardees sa kanilang serbisyo sa mga tao at sa bansa.

‘‘Your exemplary work as academicians, soldiers, and police officers are oftentimes the most demanding— not oftentimes, I take that back – are always the most demanding, exhausting, and wearisome professions that we have to undertake,’’ ani Pangulong Marcos.

Pinangunahan ng foundation ang programa sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Savings Bank (PSBank), Rotary Club ng Makati Metro, at ang Rotary Club ng New Manila East.

Ang Outstanding Filipino ay ang flagship program at pinakaprestihiyosong career-service award na ibinigay ng Metrobank Foundation, Inc., sa sektor ng akademya, militar at pulisya.

Hinimok naman ni Pangulong Marcos, ang lahat na patuloy na gawin ang kani-kanilang bahagi sa pagsasakatuparan ng layunin para sa isang mas produktibo, mapayapa, at progresibong Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter