1 CTG, nasawi sa engkuwentro sa Surigao del Sur

1 CTG, nasawi sa engkuwentro sa Surigao del Sur

NAGKA-engkuwentro ang tropa ng 36th Infantry Battalion (36IB) at tinatayang 20 communist terrorist group (CTG) sa Brgy. Maticdum, Tandag City, Surigao del Sur.

Ayon kay 36IB Commanding Officer Lieutenant Colonel Vincent Viray, ipinagbigay-alam ng mga residente sa Sitio Lumbayagan ang presensiya ng armadong grupo sa lugar.

Agad na rumisponde ang mga sundalo at naglunsad ng clearing operation, kung saan tumagal ng 10 minuto ang palitan ng putok.

Isang miyembro ng CTG ang nasawi habang nakumpiska ang isang 5.56MM, M16A1 bushmaster rifle.

Patuloy namang magsasagawa ng combat operations ang militar upang sumuko ang natitirang miyembro ng CTG.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble