Golden State Warriors nagwagi laban sa San Antonio Spurs

Golden State Warriors nagwagi laban sa San Antonio Spurs

Matapos payukuin ng Oklahoma City Thunder, bumawi naman ngayon ang Golden State Warriors sa San Antonio Spurs.

Sa kanilang laban, lamang ng 14 points ang Spurs sa first quarter, ngunit nagawang makahabol ng Warriors sa second quarter matapos magtala ng 35 points.

Sa third quarter, tuluyang nabaliktad ng koponan ang kanilang laban sa iskor na 84-92.

Nagtapos naman ang kanilang iskor sa 120-125 pabor sa Golden State.

Nanguna sa panalo ng team si Stephen Curry na gumawa ng 46 points habang nag-ambag ng 28 points si Jimmy Butler at 19 points si Moses Moody.

Muling maghaharap ang dalawang team sa Sabado sa group stage ng NBA Cup.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble