Guidelines para sa pagtuturok ng bivalent vaccines, binubuo pa ng DOH

Guidelines para sa pagtuturok ng bivalent vaccines, binubuo pa ng DOH

HINDI pa natapos at patuloy pa ring binabalangkas ng Department of Health (DOH) ang guidelines o panuntunan sa paggamit ng bivalent vaccines.

Gayunman ay tiniyak naman ng DOH na matatapos at mailalabas nila ito bago ang implementasyon o pagpapatupad ng roll-out ng nasabing bakuna sa bansa.

Sinabi ni DOH officer-in-charge, Dra. Maria Rosario Vergeire na sa kasalukuyan ay masusing pinag-aaralan ang mga gagawing estratehiya, mekanismo at alokasyon para maging katanggap-tanggap at patas ang operational efficiency sa paggamit ng naturang bakuna.

Nakakasiguro na aniya ang DOH ng inisyal na 1 million doses ng Bivalent COVID-19 vaccines ng Pfizer na magmumula naman sa COVAX facility na inaasahang darating dito sa bansa sa huling bahagi ng Marso.

Mula anya sa nasabing paunang donasyon ay magiging prayoridad na maturukan ang mga  kabilang sa A1 sector o iyung mga health care workers, A2 o mga senior citizens at A3 o mga may comorbidities.

Follow SMNI NEWS in Twitter