Halos 120-K na multiple registration sa COMELEC, iniimbestigahan

Halos 120-K na multiple registration sa COMELEC, iniimbestigahan

INIIMBESTIGAHAN ng poll body ang halos 120-K na nagparerehistro sa Commission on Elections (COMELEC).

Sa panayam ng SMNI News kay COMELEC spokesperson Atty. Rex Laudiangco, ito’y dahil napapansin nila na mukhang sinadya na magkaroon ng multiple registration.

Tiniyak naman ni Laudiangco na makukulong ng hanggang anim na taon ang sinumang mapatutunayang sinadya ang multiple registration nila sa COMELEC para sa anumang kadahilanan gaya ng pagiging flying voters.

Maaari ding tanggalan ng karapatang makaboto at kung politiko ay hindi na makauupo sa anumang puwesto.

Sa datos ng Commission on Election, mula sa halos 120-K ay 7-K rito ang kumpirmadong sinadya ang multiple registration.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter