Japan at US, posibleng mangialam kung sakaling atakihin ng China ang Taiwan – Former PM Shinzo Abe

HINDI makaka-stand by at posibleng mangialam ang Japan at Estados Unidos kung sakaling atakihin ng China ang Taiwan ayon sa dating Punong Ministro ng Japan na si Shinzo Abe.

Inanunsyo ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na posibleng mangialam ang Japan at Estados Unidos kung aatakihin ng China ang Taiwan.

Sa ngayon ay patuloy na lumalala ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan kasunod ng pagsusulong ni President Xi Jinping sa sovereign claims umano ng China sa isla ng Taiwan.

Inihayag naman ng Taiwan government na gusto nito ng kapayapaan pero handang dumepensa kung sakali.

Sa isang forum na inorganisa ng Taiwanese think tank, inihayag ni Abe na ang Senkaku islands na tinatawag ng China na Diaoyu Islands, ang Sakishima Islands at Yonaguni Island ay isandaang kilometro lamang ang layo mula sa China na kasing layo lang rin nito sa Taiwan.

Posibleng magdulot ng matinding peligro kung sasakupin umano ng China ang Taiwan.

Dagdag ni Abe na ang Taiwan emergency ay isang Japanese emergency at ito ay isang emergency para sa Japan-US alliance at hindi ito dapat kalimutan ng Beijing.

Nilinaw rin ni Abe na ang Japan ay host ng major military bases ng Amerika kabilang na ang Southern island ng Okinawa na malapit naman sa Taiwan.

SMNI NEWS