PINAGKALOOBAN ng tulong ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang mahigit 8,000 barangay functionaries sa kanyang distrito kamakailan.
Ito’y sa pamamagitan ng isang gift giving activity na dinaluhan ng Barangay Force Multipliers sa unang distrito ng Davao City.
Si Rigo Duterte II, na anak ni Congressman Duterte ang nanguna sa gift giving activity.
Bukod diyan ay namahagi rin ng TUPAD cash assistance ang mambabatas sa libu-libong pamilya mula sa 54 na mga barangay sa kanyang distrito.
Ayon kay Duterte, nais nitong madama ng kanyang mga constituents ang saya ngayong holiday season kaya may ganito silang mga programa sa kabila ng pandemya.
“With everyone’s effort and cooperation, not only in my office, everybody experienced the real spirit the holiday season brings,” ayon sa mambabatas.